Scroll Top

Batas sa paggamit ng body cam ng mga pulis sinulong sa Kamara

Itinulak sa Kamara de Representantes ang panukala upang magkaroon ng batas para sa pagsusuot ng body camera ng mga pulis na nasa operasyon.

Inihain ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang House Bill 8352 upang mapataas umano ang transparency at accountability sa law enforcement system ng bansa.

“This bill seeks to formalize a body-work camera and dash cam policy for all law enforcement officers with the authority to conduct searches and make arrests in order to promote transparency in law enforcement operations and pave the way for speedy investigations in cases of dispute,” sabi ni Villar sa explanatory note ng panukala.

Bukod sa body camera, nakasaad din sa panukala ang paglalagay ng dashcam sa mga sasakyan ng pulis.

“This policy will also prevent law enforcers from excessive use of force in the execution of their duties,” sabi ni Villar.

Ang kuha ng mga camera ay maaari umanong usisain ng publiko alinsunod sa alituntunin ng privacy law. Ang mga footage ay maaari ng burahin makalipas ang isang taon maliban na lamang kung ito ay ebidensya sa kaso.

“Footage captures on body-worn cameras or dash cameras can be an invaluable tool on how law enforcement officers interact with the public and vice versa,” dagdag pa ni Villar.

Noong 2021, naglabas ang Korte Suprema ng guidelines para sa paggamit ng body camera ng mga pulis na nagsisilbi ng warrant. (Billy Begas)

 

Source: https://tnt.abante.com.ph/2023/06/15/batas-sa-paggamit-ng-body-cam-ng-mga-pulis-sinulong-sa-kamara/news/

Related Stories
Clear Filters
Senator Camille Villar pushes for mental health leave, journalist protections, and pro-worker legislation
Senator Camille Villar has filed a new wave of legislative proposals focused on mental health, labor protections, education, and social welfare.
Dahil buhay ang puhunan, hazard pay para sa media panawagan
ISINUSULONG ni Senadora Camille Villar ang isang panukalang batas na mag-oobliga sa pagbibigay ng insurance, hazard pay, at karagdagang benepisyo para sa mga mamamahayag—lalo na sa mga nag-uulat sa mga mapanganib na lugar o kondisyon.
Most Popular Posts
Most Viewed