Scroll Top

Camille Villar nangakong palalakasin ang proteksyon at suporta para sa mga OFW

MULING iginiit ng millennial senatorial candidate na si Camille Villar ang kanyang pangako na gawing pangunahing adbokasiya ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa mas matibay na suporta at proteksyon mula sa pamahalaan para sa mga makabagong bayani at kanilang pamilya.

Kinilala ni Villar ang matinding sakripisyo ng mga OFW upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, kailangang maging mas organisado at tumutugon ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga isyu ng mga OFW.

Bagaman naitatag na ng Kongreso ang Department of Migrant Workers, sinabi ni Villar na patuloy itong dumaranas ng mga “birth pains” o pagsubok sa paghawak ng mga kaso ng pagmamaltrato, overstaying, at repatriation ng mga kababayan sa ibang bansa.

“Dapat laging handa ang pamahalaan na protektahan ang ating mga OFWs. Kasabay nito, dapat din nating turuan ang mga OFW at kanilang pamilya kung paano mapapalago at mai-invest nang tama ang kanilang pinaghirapang kita,” sey ni Villar.

Ibinahagi rin niya ang matagal nang ugnayan ng kanilang pamilya sa mga OFW, na nagsimula nang maitayo ng kanyang ama, dating Senate President Manny Villar, ang unang housing unit para sa isang OFW halos limampung taon na ang nakalilipas.

Patuloy ang kanilang adbokasiya sa pamamagitan ng taunang OFW Family Summit na pinangungunahan nina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar.

Ang OFW Family Summit ay nagsisilbing plataporma upang mabigyan ng kaalaman ang mga pamilya ng OFWs sa mga programa ng gobyerno, pagsisimula ng negosyo, tamang paghawak ng pera, at mga kwento ng tagumpay ng mga OFW na naging matagumpay na negosyante pagbalik nila sa bansa.

Namimigay rin ang summit ng house-and-lot packages bilang pagpupugay sa pangarap ng bawat OFW na magkaroon ng sariling bahay.

“Layunin naming tulungan ang mga pamilya ng OFWs na makapagsimula ng sariling kabuhayan. Isa itong paraan ng pagbibigay-pugay sa kanilang mga sakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bayan,” ani Camille.

Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga OFW, sa pagsasabing, “Hindi mawawala ang mga pagsubok sa buhay, pero lagi akong narito para sa ating mga OFWs, upang patuloy na ipaglaban ang kanilang kapakanan.”

Source: https://bandera.inquirer.net/414067/camille-villar-nangakong-palalakasin-ang-proteksyon-at-suporta-para-sa-mga-ofw

Related Stories
Clear Filters
SENATOR CAMILLE VILLAR PUSHES FOR MORE BUDGET FOR FILIPINO SCHOLARS
MANILA — Millennial Senator Camille Villar is pushing for stronger government investment in education and innovation, saying it is time to empower the next generation of Filipino talents to be globally competitive in science and technology.
Camille Villar Seeks Senate Probe into Growing Mental Health Crisis
MANILA — Senator Camille Villar has filed a resolution urging the Senate to look into the country’s worsening mental health situation, emphasizing the need to strengthen the implementation of existing laws and make care more accessible to Filipinos in need.
Most Popular Posts
Most Viewed