Nangako si millennial senatorial candidate Camille Villar na kanyang itutulak ang marami pang mga proyekto na magsusulong sa Benguet at iba pang lugar sa Cordillera Autonomous Region (CAR) bilang pangunahing travel destination sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa 113th Founding Anniversary ng Itogon noong Huwebes, nagpahayag si Villar ng kanyang paghanga sa mga tao ng CAR, ang kanilang mayamang kasaysayan at kanilang likas na yaman.
Sabi ni Villar, itutuloy niya ang mga proyekto na magsusulong ng progreso sa rehiyon lalo na ngayong nakumpleto na ang Labey-Lacamen Road Project sa Tublay, Benguet at ang Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablay-Tuba-Tublay (BLISTT) Outer Ring Circumferential Toad na magpapagaan sa travel time sa pagitan ng hilagang bahagi ng Cordilleras patungo sa Cagayan Valley Region.
Dahil dito, madali nang magbiyahe mula Cagayan Valley patungo sa Benguet, lalo na sa mga lokal na turista na gustong makita ang ganda ng Atok Flower Gardens, Sagada Caves, La Trinidad Strawberry Farms, at iba pang mga tourist attraction.
Ang Mt. Pulag, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay matatagpuan sa mga lalawigan ng Benguet, Ifugao at Nueva Vizcaya.
Binanggit din ni Villar ang ang bypass road na nagdudugtong sa Kennon at Loakan Airport, na binansagang “Great Wall of Baguio City”, na magbibigay ng madaling access sa mga pangunahing lugar sa rehiyon.
Nangako din siya na itutuloy niya ang mga proyektong sinimulan ng kanyang ina, si Sen. Cynthia Villar, tuald ng kontrusyon ng mga composting facility sa walo sa 13 bayan sa lalawigan.
“Sisiguraduhin po nating kaisa niyo ako sa mga hangarin niyo para sa rehiyon ng CAR. Ako po ang magiging boses ninyo sa senado para magtuloy-tuloy nag mga proyektong magpapaunlad hindi lamang dito sa inyong bayan kungdi para sa ating buong bansa,” sabi ni Camille Villar. (Dindo Matining)