Scroll Top

Camille Villar lumalakas sa Zambales sa endorso ni Gov. Ebdane

ISANG mainit na pagtanggap ang ibinigay ng Zambales kay millennial senatorial candidate at Deputy Speaker Camille Villar kamakailan lang matapos niyang libutin ang mga bayan ng Castillejos, Iba, Olongapo, at iba pang mahahalagang lugar sa probinsya.

Lalong tumibay ang kampanya ng 40-anyos na mambabatas nang opisyal siyang i-endorso ni reelectionist Governor Hermogenes Ebdane, Jr. at iba pang lokal na opisyal.

Sa sunod-sunod na town hall meeting kasama ang mga senior citizen, socio-civic groups, at mga kabataan, binigyang-diin ni Villar ang kahalagahan ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan upang mas epektibong matugunan ang natatanging hamon ng bawat probinsya.

“Ang mga pangangailangan ng lokalidad ay dapat tinutugunan sa tulong ng pambansang suporta at pangmatagalang pagpaplano,” sey ni Villar, at idinagdag na ang pangmatagalang pag-unlad ay dapat inklusibo at nakaangkla sa lokal na konteksto.

Sa harap ng kanyang mga nasasakupan, pinuri ni Gov. Ebdane ang matagal nang suporta ng pamilya Villar sa Zambales, lalo na sa larangan ng imprastraktura at agrikultura.

Camille Villar lumalakas sa Zambales sa endorso ni Gov. Ebdane

“Maraming kandidato sa Senado, pero isa lang ang kandidata natin dito,” wika ni Ebdane, sabay hikayat sa mga taga-Zambales na suportahan si Villar sa darating na halalan.

“Huwag ninyo kalimutan ang mga taong nakatulong sa inyo,” dagdag pa ng gobernador, habang tinutukoy ang dedikasyon ni Villar sa paglilingkod at pagpapaunlad ng mga komunidad.

Nagpahayag din ng suporta sina Vice Mayor Christian Esposo, Mayor Jeff Khonghun, at iba pang lider ng mga bayan, na lalong nagpapatibay sa pundasyon ng kampanya ni Villar sa Central Luzon.

Sa programang tinawag na “RICEUP” sa Iba, kinausap ni Villar ang mga magsasaka at mangingisda tungkol sa kahalagahan ng agribusiness training na maaaring magpataas ng produktibidad at kita ng bawat pamilya.

Binanggit niya ang importansya ng pagpapalago ng kultura ng “sipag at tiyaga” bilang susi sa pangmatagalang tagumpay.

Nakipagtagpo rin si Villar sa mga senior citizen sa isang pagtitipon na pinangunahan ni Olongapo Mayor Rolen Paulino, Jr. sa SMX Olongapo, kung saan ipinangako niyang bibigyan ng prayoridad ang mga batas na magpapalakas sa social protection at access sa healthcare ng mga nakatatanda.

Habang papalapit ang eleksyon, lalong nagiging masigla ang kampanya ni Villar sa Zambales, na itinatampok ang kanyang mensahe ng inklusibong pag-unlad, pagpapalakas ng lokal na pamahalaan, at sektor-sektoral na representasyon.

Source: https://bandera.inquirer.net/413709/camille-villar-lumalakas-sa-zambales-sa-endorso-ni-gov-ebdane

Related Stories
Clear Filters
Proud of you, anak! Manny Villar beams as Camille joins Senate
Ultra bilyonaryo Manny Villar couldn’t hide his pride as he watched daughter Camille Villar officially proclaimed senator-elect, making her the fourth member of the political clan to hold a Senate seat.
Camille Villar sa ama: Pangarap kong maging tulad mo
Most Popular Posts
Most Viewed