Scroll Top

Camille Villar nangakong buong pusong maglilingkod bilang senador

Inihayag ni Senator-elect Camille Villar ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pangakong paglilingkod para sa mga Pilipino.

Kasunod ito ng proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) kay Villar nitong Sabado, Mayo 17, bilang nanalong senador sa Halalan 2025.

“I stand here incredibly honored and humbled by this opportunity. I am grateful to God that we had a peaceful elections with a very good results,” ani Villar.

“And today, with all humility, tinatanggap ko ang responsibilidad at karangalan na ito. And I promise that I will work twice as hard, and I will stand twice as firm and serve with all my heart. And exhibit leadership because leadership is about showing up, standing up when it is easier to play it safe and speaking out when it is more convenient to stay silent,” pagbibigay-diin pa niya.

Pinasalamatan naman ni Villar ang kaniyang pamilya, tagasuporta, at kapwa kandidato na naging bahagi ng kaniyang pangangampanya sa panahon ng halalan.

“At higit sa lahat, sa lahat po nang ating mga kababayan na tumulong po sa akin at nagbigay ng tiwala at suporta, maraming maraming salamat.”

“Iingatan ko po ang inyong tiwala at suporta at makakaasa po kayo na magtatrabaho po ako para ‘yung mga pangarap natin para sa mga sarili natin, sa ating mga mahal sa buhay ating mga pamilya at para sa ating bansa at makakamit natin ng sama-sama. Muli, mabuhay po kayong lahat at mabuhay ang Pilipinas,” dagdag pa ni Villar. (AM)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/05/17/camille-villar-nangakong-buong-pusong-maglilingkod-bilang-senador/news/

Related Stories
Clear Filters
Proud of you, anak! Manny Villar beams as Camille joins Senate
Ultra bilyonaryo Manny Villar couldn’t hide his pride as he watched daughter Camille Villar officially proclaimed senator-elect, making her the fourth member of the political clan to hold a Senate seat.
Camille Villar sa ama: Pangarap kong maging tulad mo
Most Popular Posts
Most Viewed