Scroll Top

Camille Villar inendorso ng Bohol governor, local execs

Pinasalamatan ni Camille Villar si Bohol Governor Aris Aumentado dahil sa pagsuporta sa kaniyang senatorial run.

Sa kaniyang kampanya sa Central Visayas, muling iginiit ni Villar ang pagsulong ng kaniyang adbokasiya para sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs), mga kababaihan at mga bata at ang pagpapalakas sa small and medium-sized enterprises, infrastructure, housing sector at edukasyon.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapaganda ng resources at manpower sa lokal na turismo bilang daan sa pagpapalago ng ekonomiya at paglikha ng oportunidad na trabaho para sa tao.

Binanggit pa ni Villar kung papaanong naging world tourist destination ang Bohol dahil sa coral reefs at kakaibang geological formation partikular ang Chocolate Hills.

Ipinagmamalaki rin ng Bohol ang kanilang Loboc River Cruise, Hinagdanan Cave at ang pambihirang karanasan sa paglalangoy kasama ang mga whale shark at snorkelling kasama ang mga sea turtle.

Pinasalamatan din ni Villar sina Vice Gov. Tita Baja, Board Member Nick Besas at 3rd district Bohol Rep. Kristine Alexie Besas-Tutor sa kanilang mainit ng pagtanggap nang bisitahin niya ang lalawigan. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/16/camille-villar-inendorso-ng-bohol-governor-local-execs/news/

Related Stories
Clear Filters
CAMILLE VILLAR PRESSES PHILSA ON BUDGET UTILIZATION, VOWS STRICT OVERSIGHT OF 2026 SCIENCE AND TECH FUNDS
Senator Camille Villar, Vice Chairperson of the Senate Committee on Finance (Subcommittee “L”), underscored the need for full transparency and accountability in the spending of the Philippine Space Agency (PhilSA) and the Department of Science and Technology (DOST) as the Senate began deliberations on their proposed 2026 budgets.
CAMILLE VILLAR LEADS SENATE HEARING ON URGENT ENVIRONMENTAL, CLIMATE ISSUES
Senator Camille Villar, chair of the Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, asserted the Senate’s commitment to tackling the country’s most pressing environmental and climate challenges as she led the organizational meeting and initial hearing of the said committee on Wednesday.
Most Popular Posts
Most Viewed