Scroll Top

Agrikultura, edukasyon prayoridad ni Camille Villar

Target ni Alyansa senatorial candidate Camille Villar na suportahan pa ang sektor ng agrikultura, edukasyon at maliliit na mga negosyo kapag nahalal siya sa Senado.

Ginawa ni Villar ang pangako sa kaniyang pagbisita sa Tagoloan, Misamis Oriental noong nakaraang linggo.

Pinasalamatan ni Villar ang mainit na pagtanggap at suporta sa kaniyang pakikidayalogo sa mga lokal ma opisyal at mayor sa nasabing lalagawan.

Isinusulong ni Villar ang pagpapalakas ng small at medium-sized enterprises, na aniya’y ‘backbone’ ng ekonomiya para makalikha pa ng maraming trabaho at pagsulong ng pagpapaunlad.

Kabilang sa mga opisyal na kaniyang nakadayalogo ay sina Misamis Oriental first district Rep. Christian Unabia, Gutagum Mayor Jessa Mugot, Balingasag Mayor Joshua Unabia, Initao Mayor Mercy Grace Acain, Salay Mayor Sonny Tan – Salay, Naawan Mayor Dennis Roa, Villanueva Mayor Bing Dumadag, Claveria Mayor Reynante Salvaleon, Talisayan Mayor Rico Taray, Binuangan Mayor Dann Isaiah Lusterio, Magsaysay Mayor Charlie Buhisan, Kinoguitan Mayor Ryan Pabellan at Rep. Lagonglong Jack Puertas.

“Thank you for sharing the advocacies of the province with me. Hindi ko po makakalimutan yan. And I can that the advocacies of our family are very alive. Makaaasa po kayo na hindi namin makakalimutan yan. Wherever I would go, babalik at babalik tayo sa Misamis Oriental,” pahayag ni Villar. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/07/agrikultura-edukasyon-prayoridad-ni-camille-villar/news/

Related Stories
Clear Filters
Proud of you, anak! Manny Villar beams as Camille joins Senate
Ultra bilyonaryo Manny Villar couldn’t hide his pride as he watched daughter Camille Villar officially proclaimed senator-elect, making her the fourth member of the political clan to hold a Senate seat.
Camille Villar sa ama: Pangarap kong maging tulad mo
Most Popular Posts
Most Viewed