Scroll Top

Agri sector inendorso kandidatura ni Camille Villar

Inendorso ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So ang senatorial bid ni Camille Villar dahil ang patuloy niyang suporta sa pagpapaganda ng agrikultura ay napakahalaga sa farming sector.

Sa kanyang pangangampanya sa ilang bayan sa Pangasinan noong Huwebes, nangako si Villar na gagawa siya ng mga panukala na magsusulong na agriculture at livestock industry.

Binanggit pa ni Cong. So ang malasakit ni Villar sa kapakanan ng mga magsasaka at mga poultry at livestock raisers, katulad ng kanyang magulang na sina dating Senate President Manny Villar at Sen. Cynthia Villar.

Binigyan ni So ng kredito ang mga Villar sa pag-apruva ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law o Republic Act 12022, na nagkaklasipika sa agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at pagkasangkot sa cartel bilang “acts of economic sabotage”.

“For the past years kasi, ang farming sector, pag may kailangan, hindi lang ang nanay niya, si Senator Cynthia Villar ang pinupuntahan, pati si Camille. Ang batas kasi kailangan i-daan sa Kongreso at sa Senado. Talagang very supportive si Camille pagdating sa agriculture, lalo na pagnakaupo na siya sa Senado,” sabi ni So.

Nangako naman si Camille Villar na susuportahan niya ang mga panukala tulad ng pagbubuo ng Livestock, Poultry and Dairy Competitiveness Enhancement Fund. Ang panukalang ito ay katulad ng multibillion rice fund o Rice Competitiveness Enhancement Fund. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/04/agri-sector-inendorso-kandidatura-ni-camille-villar/news/

Related Stories
Clear Filters
SENATOR CAMILLE VILLAR PUSHES FOR MORE BUDGET FOR FILIPINO SCHOLARS
MANILA — Millennial Senator Camille Villar is pushing for stronger government investment in education and innovation, saying it is time to empower the next generation of Filipino talents to be globally competitive in science and technology.
Camille Villar Seeks Senate Probe into Growing Mental Health Crisis
MANILA — Senator Camille Villar has filed a resolution urging the Senate to look into the country’s worsening mental health situation, emphasizing the need to strengthen the implementation of existing laws and make care more accessible to Filipinos in need.
Most Popular Posts
Most Viewed