Scroll Top

Bong Go una pa rin sa bagong survey ng Arkipelago Analytics; Villar pasok sa Top 6

PATULOY na nangunguna si Bong Go sa mahigpit na labanan para sa Senado, ayon sa pinakabagong pambansang survey ng Arkipelago Analytics.

Ang survey ay isinagawa mula April 26 hanggang May 1 sa pamamagitan ng personal na panayam sa 1,400 rehistradong botante ng Commission on Elections (COMELEC), gamit ang proportional stratified random sampling upang matiyak ang malawak na representasyon ng iba’t ibang grupo sa lipunan.

May margin of error ito na ±3 porsiyento at 97 porsiyentong antas ng kumpiyansa.

Nananatiling matatag ang suporta kay Bong Go na may 63 porsiyento, kasunod ang broadcaster na si Erwin Tulfo na may 55 porsiyento at dating hepe ng Philippine National Police na si Ronald “Bato” Dela Rosa na may 47 porsiyento.

Tabla naman sa ika-apat na puwesto ang mga kilalang personalidad sa media na sina Ben Tulfo at Tito Sotto na parehong may 42 porsiyento.

Malapit din ang laban para sa mga sumusunod: Senador Pia Cayetano (41 porsiyento), Camille Villar (40.5 porsiyento), Ramon Bong Revilla (39 porsiyento), Lito Lapid (38.7 porsiyento), at Willie Revillame (38 porsiyento), na kumukumpleto sa sampung nangungunang kandidato.

Sumusunod naman sina Rodante Marcoleta na may 34 porsiyento, Bam Aquino (33.5 porsiyento), at Imee Marcos (33 porsiyento).

Kapansin-pansin din ang apat na kandidatong sina Abby Binay, Ping Lacson, Manny Pacquiao, at Phillip Salvador na tabla sa 32 porsiyento.

Bahagyang nasa likuran sina Kiko Pangilinan at Jimmy Bondoc na parehong may 29 porsiyento, at Gringo Honasan na may 27 porsiyento.

Nasa ibabang bahagi naman ng listahan sina Benhur Abalos (21 porsiyento), Francis Tolentino (20.5 porsiyento), Raul Lambino at Atty. Vic Rodriguez (parehong 20 porsiyento), Colonel Bosita (17 porsiyento), Doc Marites Mata (16.5 porsiyento), Jayvee Hinlo (16 porsiyento), Amirah Lidasan (12 porsiyento), Nur-Ana Sahidulla (11 porsiyento), Apollo Quiboloy (10.5 porsiyento), at Eric Martinez (5 porsiyento).

Bong Go una pa rin sa bagong survey ng Arkipelago Analytics; Villar pasok sa Top 6

Ginamit ng Arkipelago Analytics ang hybrid weighting method na nagsasama ng popularidad (70 porsiyento) at voter conversion efficiency (30 porsiyento) upang masuri hindi lamang ang pagkilala sa kandidato kundi pati na rin ang kakayahang hikayatin ang mga botante na aktwal na bumoto.

Sa paraang ito, kitang-kita ang matinding kompetisyon sa ikaapat hanggang ikasampung puwesto kung saan dikit-dikit ang mga agwat, indikasyon ng isang napaka-dinamikong sitwasyon sa natitirang mga linggo bago ang eleksyon.

Ang Arkipelago Analytics ay isang independiyenteng research firm na naglalayong magbigay ng mga pag-aaral ng opinyon publiko, pagtataya sa eleksyon, at pagsusuri sa mga patakaran.

Gumagamit ito ng mga makabagong pamamaraan upang maihatid ang detalyado, tumpak, at mahalagang impormasyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Source: https://bandera.inquirer.net/414867/bong-go-una-pa-rin-sa-bagong-survey-ng-arkipelago-analytics-villar-pasok-sa-top-6

Related Stories
Clear Filters
Proud of you, anak! Manny Villar beams as Camille joins Senate
Ultra bilyonaryo Manny Villar couldn’t hide his pride as he watched daughter Camille Villar officially proclaimed senator-elect, making her the fourth member of the political clan to hold a Senate seat.
Camille Villar sa ama: Pangarap kong maging tulad mo
Most Popular Posts
Most Viewed