Scroll Top

Camille Villar inendorso ng mga lokal na opisyal ng Bataan

Muling inihayag ni senatorial millennial candidate Camille Villar ang kanyang suporta sa sektor ng agrikultura at pangingisda matapos iendorso ng mga lokal na opisyal ng Bataan.

Kabilang sa nagpahayag ng suporta ay sina Bataan second district Rep. Albert Raymond “Abet” Garcia, Orani Mayor Efren “Bondjong” Pascual Jr., at first district provincial board member, Atty. Tony Roman.

Sa kanyang talumpati, sinabi Villar na pakiramdam niya ‘at home’ siya sa Bataan dahil ang kanyang lola na si Curita “Nanay Curing” Bamba Villar ay ipinanganak sa Orani. Si Nanay Curing ang ina ni dating Senate President Manny Villar.

Ito aniya ang dahilan kung bakit lagi niyang binabalikan ang kanyang mga kababayan.

Nangako si Camille Villar na bibigyan niya ng prayoridad ang Bataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa kanilang mga industriya, gayundin sa sektor ng agrikultura at pangingisda.

Ito’y bukod pa sa isusulong niya kapakanan ng mga kababaihan at mga bata, pagpapabuti ng edukasyon, tutukan ang pabahay, at isusulong ang financial literacy, at paglikha ng kabuhayan at trabaho. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/30/camille-villar-inendorso-ng-mga-lokal-na-opisyal-ng-bataan/news/

Related Stories
Clear Filters
LIST: Senate Committee Chairmanships of the 20th Congress
MANILA, Philippines — The Senate has officially decided the committee chairmanships for the 20th Congress, with several majority lawmakers getting their desired positions. 
ALAMIN: Mga chairperson ng mga komite sa Senado sa 20th Congress
Inanunsiyo na ng Senado nitong Martes, Hulyo 29, ang mga bagong itinalagang chairperson ng mga komite para sa 20th Congress.
Most Popular Posts
Most Viewed