Scroll Top

Camille Villar, pormal nang iprinoklamang Senador

Pormal nang ipinroklama si Camille Villar bilang isa sa mga nanalong senador ngayong 2025 midterm elections sa isang makasaysayang seremonya sa Manila Hotel nitong Biyernes, Mayo 17.

Sa kanyang talumpati, buong kababaang-loob na tinanggap ni Villar ang mandato mula sa taumbayan at nangakong maglilingkod nang buong puso at dedikasyon.

“Ngayong araw, tinatanggap ko ang responsibilidad at karangalang ito. Nangangako akong magtatrabaho nang doble, titindig nang mas matatag, at maglilingkod nang may buong puso,” pahayag ng bagong halal na senador.

Ibinahagi rin ni Villar ang mga pagsubok sa kanyang kampanya at kung paano siya inalalayan ng pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kababayan. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawa na si Erwin, sa kanilang mga anak na sina Tristan at Cara, gayundin sa kanyang mga kapatid na sina Paolo at Mark.

Labis ang pagkilala ni Villar sa kanyang mga magulang, sina Senadora Cynthia Villar at dating Senate President Manny Villar, na tinawag niyang inspirasyon ng kanyang pagtakbo sa halalan. “Papa, naaalala ko noong bata pa ako, pangarap ko talagang maging katulad mo—ang makapagsilbi at makatulong sa mas maraming tao,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng volunteers, tagasuporta, at mga mamamayang bumoto at nagtiwala sa kanyang kakayahan. “Iingatan ko ang inyong tiwala at suporta. Makakaasa kayong magtatrabaho ako para sa mga pangarap natin—para sa ating mga pamilya at para sa ating bayan,” dagdag pa niya.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinahayag ni Villar ang kanyang hangaring matupad ang kolektibong pangarap ng sambayanang Pilipino, kasabay ng panawagang pagkakaisa.

“Mabuhay po kayong lahat. Mabuhay ang Pilipinas!” wika niya habang pinapalakpakan ng mga dumallo. RNT/Cesar MoralesPormal nang ipinroklama si Camille Villar bilang isa sa mga nanalong senador ngayong 2025 midterm elections sa isang makasaysayang seremonya sa Manila Hotel nitong Biyernes, Mayo 17.

Sa kanyang talumpati, buong kababaang-loob na tinanggap ni Villar ang mandato mula sa taumbayan at nangakong maglilingkod nang buong puso at dedikasyon.

  

Source: https://remate.ph/camille-villar-pormal-nang-iprinoklamang-senador/

Related Stories
Clear Filters
SENATOR CAMILLE VILLAR PUSHES FOR MORE BUDGET FOR FILIPINO SCHOLARS
MANILA — Millennial Senator Camille Villar is pushing for stronger government investment in education and innovation, saying it is time to empower the next generation of Filipino talents to be globally competitive in science and technology.
Camille Villar Seeks Senate Probe into Growing Mental Health Crisis
MANILA — Senator Camille Villar has filed a resolution urging the Senate to look into the country’s worsening mental health situation, emphasizing the need to strengthen the implementation of existing laws and make care more accessible to Filipinos in need.
Most Popular Posts
Most Viewed