Scroll Top

Camille Villar proud sa Catanduanes bilang world’s top abaca producer

Nagpahayag ng suporta si millennial senatorial candidate Camille Villar sa lokal na industriya ng abaka kasunod ng kanyang pagbisita sa Catanduanes, ang abaca capital ng Pilipinas.

“Congratulations po sa pagiging ‘world’s top producer of abaca’, at dahil po dyan ay buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan,” pahayag ni Villar.

“Talagang proud po tayo sa industriya na yan dito sa inyong lalawigan dahil sa ang abaca ay tinatawag na ‘world’s strongest fiber’,” dagdag niya.

Ang Pilipinas ay nanatiling top producer ng abaka sa buong mundo at ginagamit pa ito ng mga world-renowed Filipino designer sa kanilang mga proyekto.

“Tuloy-tuloy nating palalakasin pa po ang sektor ng agrikultura, ang local trade and economy para mas lumikha pa ng madami pang trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan,” sabi pa ni Villar.

Binanggit niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na suporta sa mga abaca farmer at tiyaking nabebenta ito sa competitive prices.

Ang Catanduanes ay may 36,853 ektaryang abaca production areas na sinasaka ng 15,000 abacaleros, ayon sa Department of Agriculture.

Para matiyak na napapanatili ng Pilipinas ang kanilang posisyon bilang pangunahing abaca producer sa mundo, sinabi ni Villar na mabigyan ng karampatang suporta ang industriya ng abaka.

“I share the same vision with all of you. Itutuloy-tuloy po natin ang suporta sa probinsya ng Catanduanes at maging sa buong Bicol region,” ani Villar. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/28/camille-villar-proud-sa-catanduanes-bilang-worlds-top-abaca-producer/news/

Related Stories
Clear Filters
SENATOR CAMILLE VILLAR PUSHES FOR MORE BUDGET FOR FILIPINO SCHOLARS
MANILA — Millennial Senator Camille Villar is pushing for stronger government investment in education and innovation, saying it is time to empower the next generation of Filipino talents to be globally competitive in science and technology.
Camille Villar Seeks Senate Probe into Growing Mental Health Crisis
MANILA — Senator Camille Villar has filed a resolution urging the Senate to look into the country’s worsening mental health situation, emphasizing the need to strengthen the implementation of existing laws and make care more accessible to Filipinos in need.
Most Popular Posts
Most Viewed