Scroll Top

Camille Villar suportado ng mga political bigwig ng Lanao del Norte

Nagpahayag ng suporta sina Gov. Imelda “Angging” Dimaporo at Lanao del Norte 1st Rep. Khalid Dimaporo at ang kanilang team sa senatorial bid ni Camille Villar.

Sa pagbisita ni Villar sa lalawigan mula sa imbitasyon ng mga Dimaporo, nakipagpulong siya sa mga local mayor at mga kandidato ng lalawigan, kung saan inilatag niya ang knayang legislative agenda, mga proyekto at adbokasiya.

Hinikayat ng mag-inang ang kanilang mga constituents na suportahan si Villar sa nalalapit na halalan. Nasa ika-10 puwesto si Villar sa pinakabagong senatorial survey ng SWS.

Sa kanyang talumpatim binanggit ni Villar ang kahalagahan ng pagpapabuti ng agrikultura sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-upgrade ng mga kagamitan, para mas maging kakaaya ayat sa susunod na henerasyon ng mga magsasaka.

Kailangan umano ng gobyerno na gawing makabago ang agrikultura para mas produktibo ito at matiyak ang food security sa bansa.

Sabi pa ni Villar, kailangan bigyan ng importansiya ng pagsaayos ng imprastraktura hindi lamang sa Mindanao kundi sa lahat ng lugar sa bansa.

Sa kanyang pakikipagpulong, binanggit ni Camille Villar ang kanyang ina na si Sen. Cynthia Villar, chairperson ng Senate agriculture committee, na nagbigay ng prayoridad na dagdagan ang pondo ng sektor ng agrikultura.

Naglaan ang senador ng mahigit P200 milyon halaga ng agricultural machines at tulong pinansiyal sa 71 kooperatiba sa Lanao del Norte.

Ang kanya namang kapatid na si Sen. Mark Villar, na dating secretary ng Department of Public Works and Highways, ay naging instrumento umano sa konstruksiyon ng 3.77 kilometrong Pangil Bay Birdge na nagdudugtong sa Misamis Occidental at Tubod sa Lanao del Norte. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/22/camille-villar-suportado-ng-mga-political-bigwig-ng-lanao-del-norte/news/

Related Stories
Clear Filters
SENATOR CAMILLE VILLAR PUSHES FOR MORE BUDGET FOR FILIPINO SCHOLARS
MANILA — Millennial Senator Camille Villar is pushing for stronger government investment in education and innovation, saying it is time to empower the next generation of Filipino talents to be globally competitive in science and technology.
Camille Villar Seeks Senate Probe into Growing Mental Health Crisis
MANILA — Senator Camille Villar has filed a resolution urging the Senate to look into the country’s worsening mental health situation, emphasizing the need to strengthen the implementation of existing laws and make care more accessible to Filipinos in need.
Most Popular Posts
Most Viewed