Nagpahayag ng suporta si Dasmariñas Mayor Jennifer Barzaga sa senatorial bid ni Camille Villar sa paniniwalang malaki ang magiging kontribusyon nito sa pag-unlad ng lungsod.
Sa harap ng 12,000 katao sa isang Zumba event sa Dasmariñas Football Field, hinimok ni Barzaga ang kanyang mga kababayan na suportahan si Villar dahil makakatulong siya sa paghatid ng mga proyekto, mula sa basic services hanggang sa infrastructure development sa kanilang lugar.
Ang mga Villar ang maasahang katuwang ng Dasmariñas, ani Barzaga, dahil sa iba’t ibang mga development projects sa lungsod.
Kumpiyansa naman si Barzaga na tulong ni Camiller Villar ay mareresolba na ang isyu ng suplay ng tubig sa Dasmarinas.
“Ngayon kasama po natin ang isa sa aking sinusuportahan dahil mula noon hanggang ngayon marami po silang nagawang proyekto dito sa Dasmariñas at isa rin po s’ya sa makakapag-solve ng isa sa mga problema natin sa Dasmariñas,” pahayag ni Barzaga.
Pinasalamatan naman ni Camille ang mga Caviteño sa mainit na pagtanggap sa kanya sa kanilang lungsod.
Hiniling niya sa mga residente ng lungsod ang dagdag pang pasensiya habang inaayos pang mabuti ang problema nila sa tubig. Aniya, deserve umano ng mga konsyumer ng maayos na serbisyo at tiniyak na ipaparating ang kanilang alalahanin sa pamunuan ng PrimeWater.
Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/05/04/camille-villar-suportado-ng-mga-taga-dasmarinas111144444/news/