Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification case laban kay millennial senatorial candidate Camille Villar kaugnay ng umano’y vote-buying.
Ayon kay Teofisto Elnas Jr., vice chairperson ng Committee on Kontra Bigay, na walang sapat na ebidensiya na iniharap sa komite para ituloy ang paghahain ng reklamo para sa election offense o petition for disqualification.
Dagdag pa nito, naipaliwanag ni Villar at ng kanyang mga abogado ang mga pangyayari na nakapalibot sa naiulat na umano’y pagbili ng boto.
Pinasalamatan naman ni Villar ang Comelec sa pagbasura sa reklamong vote-buying laban sa kanya.
“I thank the Comelec for the timely issuance of this resolution, junking the complaint of vote-buying. I assure everyone that I am running on a clean platform, pursuing only my advocacies that aim to make lives better for the Filipinos,” aniya. (IS)
Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/05/08/comelec-ibinasura-reklamong-vote-buying-vs-camille-villar/news/