Buo ang suporta ni Mayor Wes Gatchalian sa senatorial bid ni Camille Villar.
Sa kanyang pag-endorso kay Villar, binanggit ni Mayor Gatchalian ang kahanga-hangang background ng kongresista mula sa Las Piñas, dahil nakatrabaho niya ito sa House of Representatives noong 18th Congress.
“If given the chance to serve at the Senate, I believe she can continue to put forward the welfare of our youth and entrepreneurs. Age is not a hindrance when you do public service, what is important is the heart to serve. And we have seen that (trait) in the Villars in terms of public service,” pahayag ni Gatchalian.
Sinang-ayunan naman ni Villar ang sinabi ni Mayor Gatchalian na panahon na para sa kabataan na gampanan ang kanilang tungkulin sa pamamahala.
“If we have to move forward, in our age, whether we are students, Gen-Z, Gen X or Millenials, it is now time for us to participate in looking for solutions for the (challenges) of our country,” sabi ni Villar sa kanyang talumpati sa harap ng mga nagsipagtapos na mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.
“It is easy for us to simply observe, and give our thoughts on what should be done. But honestly, for our country to progress, we should all — young or old— do our part for our country… and be part of the solution,” dagdag niya.
Mensahe pa ni Villar sa mga estudyante, maraming silang kinakaharap ng hamon patungo sa kanilang pangarap sa buhay subalit kailangan umanong magpakatatag sila para makamit ito.
“In life we will be scared of adversities that we may need to confront… because we may think we are still young… but we can do everything regardless of our age,” sabi pa ni Villar.
Pinasalamatan ni Villar si Mayor Wes Gatchalian, PLV President Nedeña Torralba, Pastor Robert Reyes, at mga city at school official sa mainit nilang pagtanggal sa nasabing pagtitipon. (Dindo Matining)