Scroll Top

Mga Boholano suportado senatorial bid ni Camille Villar

Pinasalamatan ni senatorial millennial candidate Camille Villar si Tagbilaran Mayor Jane Yap sa pag-endorso sa kanyang senatorial bid na mas lalong magpapalakas sa suporta ng mga Boholano sa darating May 12 election.

Sa pagdalo sa Saulog Festival sa Tagbilaran noong nagdaang linggo, nagbigay-pugay si Camille Villar sa kanilang patron saint, St. Joseph, the Worker, na siyang inspirasyon ng mga Katoliko sa kanyang kasipagan, katapatan at matibay na paniniwala.

“Ngayong araw po, inaalay po natin ang ating pagdiriwang kay St. Joseph the Worker na isang simbolo ng kasipagan, katapatan, at pananampalataya. Nawa’y maging inspirasyon siya sa ating lahat sa gitna ng hamon ng buhay, sa ating pagtatrabaho, at sa pag-aaruga sa ating pamilya at komunidad,” pahayag ni Villar.

“Kaya naman po, ‘yan din po ang aking inspirasyon sa pagseserbisyo publiko. Kaisa niyo po ako sa hangarin na patuloy pang mapayabong ang turismo at makapagdagdag kabuhayan para po sa ating mga kababayan dito po sa Bohol,” dagdag pa niya.

Nangako rin siyang bibigyan niya ng prayoridad ang mga infrastructure project para sa pagsulong ng turismo at pagpapabilis ng pag-unlad.

“Sama-sama po nating itataguyod ang mga pangarap at hangarin ng bayan ng Tagbilaran at maging ng buong lalawigan ng Bohol para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bayan,” ani Villar. (Dindo Matining)

Source:  https://tnt.abante.com.ph/2025/04/29/mga-boholano-suportado-senatorial-bid-ni-camille-villar/news/

Related Stories
Clear Filters
LIST: Senate Committee Chairmanships of the 20th Congress
MANILA, Philippines — The Senate has officially decided the committee chairmanships for the 20th Congress, with several majority lawmakers getting their desired positions. 
PANUNUMPA NI CAMILLE
NANUMPA si Senator Camille A. Villar kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagbubukas ng Senado sa ika-20th Congress nitong Lunes.
Most Popular Posts
Most Viewed