Scroll Top

Senatorial bid ni Camille Villar inendorso ng One Cebu

Buo ang suporta ng One Cebu (1-Cebu), sa pangunguna ni Gov. Gwen Garcia, sa senatorial bid ni Camille Villar sa 2025 midterm elections.

Itinaas ni Garcia ang kamay ni Villar, indikasyon na kanyang walang patid na suporta kasama ang 31 alkalde na bumubo sa local One Cebu party, na nagdodomina sa political landscape sa probinsiya.

“I am grateful, and at the same time, humbled by the support from Gov. Gwen Garcia and the mayors who came all out to welcome us,” sabi ni Camille Villar.

Nangako naman ang Las Pinas representative na kanyang tutulungan ang lalawigan sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho, women empowerment, financial literacy at suporta sa small and medium-sized enterprises.

Sinuyo ni Camiller Villar, kasama ang kanyang kapatid na si Sen. Mark, ang Cebu noong Miyerkoles, bilang bahagi ng kanyang kampanya sa Wester Visayas (Region 7).

Ang Region 7 ay may 4,753,563 rehistradong botante. Ang Cebu ay nangunguhang rehiyon na may 3,702,362 rehistradong botante at 9,443 clustered precincts. (Dindo Matining)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/04/10/senatorial-bid-ni-camille-villar-inendorso-ng-one-cebu/news/

Related Stories
Clear Filters
Proud of you, anak! Manny Villar beams as Camille joins Senate
Ultra bilyonaryo Manny Villar couldn’t hide his pride as he watched daughter Camille Villar officially proclaimed senator-elect, making her the fourth member of the political clan to hold a Senate seat.
Camille Villar sa ama: Pangarap kong maging tulad mo
Most Popular Posts
Most Viewed