METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si House Deputy Speaker Camille Villar na makakalikha ng mga karagdagang trabaho ang paglago ng mga maliliit na negosyo.
Ito ang dahilan kayat nais ni Villar na buhusan ng suporta at tulong ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Nakakatiyak ito na bababa ang bilang ng mga walang trabahong Filipino kung lalago ang mga maliliit na negosyo.
Aniya, dapat ay padaliin at pabilisin ang proseso sa pagsisimula ng negosyo, kasama na ang pagsuporta sa kanilang puhunan.
Source: https://radyo.inquirer.net/343660/suporta-sa-msmes-makakatulong-ibaba-unemployment-camille-villar