Rep. Villar isinulong pagtatayo ng dental units sa bawat rural health unit

Inihain ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang panukala upang malagyan ng mga dental unit ang bawat rural health units (RHU) sa bansa. Sa House Bill 9343, iginiit ni Villar ang kahalagahan na mapangalagaan ang oral health ng mga Pilipino at magagawa ito kung mapalalakas ang programa ng Department of Health…