Sinuportahan ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang senatorial bid ni millennial senatorial candidate Camille Villar sa isinagawang campaign rally sa Paco, Manila.
Tampok sa rally ang local line up ng “Yorme’s Choice” na kinabibilangan nina vice mayoral bet Chi Atienza, 5th District congressional aspirant Rep. Amado Bagatsing, at mga kandidato para sa city council.
Sa campaign rally na isinagawa sa kahabaan ng Pedro Gil Street, pinangalan ni Domagoso si Villar bilang isa sa kanyang napiling kandidato sa pagka-senador sa halalan sa Mayo 12.
“Pwede ba isingit na natin ito sa 12? Ang ating senador, Camille Villar!” pahayag ni Domagoso na sinang-ayunan ng mga taong dumalo sa pagtitipon.
Nangako naman si Villar na oras na maluklok sa Senado, isusulong niya ang mga adbokasiya na magbebepenipisyo sa Manileños, kabilang ang suporta sa mga maliliit na negosyo, abot-kayang pabahay, gender inclusivity, at women’s empowerment.
Ibinahagi din niya sa mga tao na ang kanyang pamilya ay nagmula sa Maynila, kung saan ipinangak at lumaki sa Moriones, Tondo ang kanyang ama na si dating Senate President at real estate mogul Manny Villar, naging seafood vendor noon sa Divisoria.
Ang naturang background ng kanyang ama ang nagtatak sa kanyang kaisipan hinggil sa malalim ng pang-unawa sa pagsisikap at pag-asa ng mga ordinaryong Pinoy.
Sabi pa ni Villar, ang sinisguro ng tambalang Domagoso-Atienza na bawat Manileño ay magkakaroon ng access sa pangunahing serbisyo tulad ng maayos na pabahay, kalidad na pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at oportunidad na kabuhayan.
Source: https://tnt.abante.com.ph/2025/05/07/yormes-choice-camille-villar-inendorso-ni-isko-moreno/news/