May Bahay sa Bakuna

Raffle Promo Mechanics

Ang papremyong dala ng “May Bahay Sa Bakuna” ay hango sa adbokasiya ni Las Piñas Rep. Camille Villar para sa mas mahikayat  ang mga Las Piñeros na magpabakuna para sa kanilang sariling proteksyon laban sa COVID 19. Ang pagpapabakuna ay hindi lang para sa sarili—ito ay para din sa inyong mga pamilya. Sa programang “May Bahay sa Bakuna”, bakunado ka na, panalo ka pa! Pagkat sa Las Piñas, May Bahay Sa Bakuna!

MECHANICS

  1. Bukas ang raffle para sa lahat ng residente ng Las Pinas edad 18 years old pataas, na nakatanggap na ng First Dose O Second Dose ng COVID 19 Vaccine.
  2. Lahat ng nais sumali ay maaaring magpasa ng raffle entry online sa (http://bit.ly/MayBahaysaBakuna). Maari din kumuha ng raffle ticket, mag fill-up, at maghulog sa mga drop boxes na matatagpuan sa mga Barangay Hall ng Las Pinas, sa Villar SIPAG Complex, o sa lahat ng branches ng AllHome, All Day Supermarket, at AllDay Convenience Store sa Las Pinas. Magdala lamang ng proof of vaccination upang makakuha ng Raffle Ticket.
  3. Raffle Period: June 4 – December 15, 2021.
  4. Lahat ng sasali ay may pagkakataong manalo ng mga sumusunod:
  • Monthly Draw: Draw Dates (July 15, August 15, September 15, October 15, November 15,)
  • 10 Winners kada buwan ng Pangkabuhayan Showcase na nagkakahalaga ng P5,000.00
  • Grand Draw: December 15, 2021
  • 2 Motorcycles
  • 1 Brand New House & Lot from BRIA

 

 

TERMS & CONDITIONS

  • Bukas ang contest sa lahat ng residente ng Las Pinas na nakapagpabakuna na laban sa COVID-19. Maaaring ang bakuna ay mula sa trabaho, opisina, o sa ibang LGU basta ikaw ay residente ng Las Pinas.
  • Ang vaccination status ng mga mananalo ay iveverify.
  • Isang beses lamang puwedeng sumali sa raffle promo. Multiple entries at double registration ay mahigpit na ipinagbabawal at magreresulta sa diskwalipikasyon.
  • Lahat ng entries ay may pagkakataong manalo ng isang beses sa Monthly Draw at sa Grand draw.
  • Ang huling araw ng pagtanggap ng raffle entries ay sa December 15, 2021. Lahat ng entries na matatanggap pagkatapos ng araw na ito ay hindi na valid.
  • Ang organizers ay may karapatang baguhin ang mechanics ng contest nang walang pasabi kung sa kadahilanan ng sakuna, giyera, acts of God, o kahit ano pa mang fortuitous event na labas sa kanilang kontrol.
  • Ang mga mananalo sa contest ay inonotify sa tawag, text, at sa social media. Mayroong 60 days simula ng announcement of winners para i-claim ang lahat ng mga premyo.
  • Ang mga premyo ay hindi maaring palitan ng pera
  • Sa pagsali, sumasang-ayon ang mga mananalo na maaaring gamitin ang kanilang pangalan at litrato sa mga promotional material ng contest.