Scroll Top

Mga buntis, tinulungan na makapagsimula ng negosyo sa Nanay Fair sa Las Piñas City

Nag-alok ng libreng baking seminar ang tanggapan ni Las Piñas Representative Camille Villar para sa mga nanay at mga buntis.

Sa pagbisita ng Nanay Fair sa Barangay Mayo Uno, nabahagian ang nasa 100 expectant mothers ng pagkakataon na matuto kung paano mag-bake upang makatulong sa kanilang pangkabuhayan.

Maliban dito ay nabigyan din sila ng pre-natal check-up at regalo na naglalaman ng health products.

Ayon kay Villar, mahalagang mabigyan ng bagong kasanayan ang mga nanay para makatulong sa kanilang gastusin.

Ang Nanay Fair ay isa sa mga advocacy program ni Deputy Speaker Villar upang matiyak ang kapakanan ng mga nagdadalang tao at kanilang mga sanggol.

 

SOURCE: https://radyopilipinas.ph/2024/04/mga-buntis-tinulungan-na-makapagsimula-ng-negosyo-sa-nanay-fair-sa-las-pinas-city/

Related Stories
Clear Filters
Playing multiple roles: Empowered women drive PH economy forward – Camille Villar
Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate and House Deputy Speaker Camille Villar highlighted the role women play in improving the Philippine economy. During her visit to Balanga, Bataan, on Thursday, Villar reiterated her support for women and vowed to push for measures that would uphold their rights and create more opportunities for them.
Camille Villar doesn’t want seniors to be left behind; holds medical mission
Insisting that the elderly shouldn't be left behind, Las Piñas City lone district Rep. Camille Villar recently led the conduct of a medical mission for some 200 senior citizens from Barangays Talons 1 to 5.
Most Popular Posts
Most Viewed