Scroll Top

Rep. Villar isinulong pagtatayo ng dental units sa bawat rural health unit

Inihain ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang panukala upang malagyan ng mga dental unit ang bawat rural health units (RHU) sa bansa.

Sa House Bill 9343, iginiit ni Villar ang kahalagahan na mapangalagaan ang oral health ng mga Pilipino at magagawa ito kung mapalalakas ang programa ng Department of Health (DOH).

“This proposed legislation is being pushed to strengthen the national oral health program and protect Filipinos from declining oral health, which has been exacerbated by the (COVID-19) pandemic that limited the movements of people and immobilized seeking of immediate oral health attention,” sabi ni Villar.

Batay sa 2018 National Survey on Oral Health, 72% ng mga Pilipino ang mayroong dental caries samantalang 43% ang mayroong gum disease.

Walo umano sa 10 bata ang mayroong sirang baby teeth na kailangang maagapan upang hindi magdulot ng mas malaking problema sa hinaharap.

“Dental health problems also affect the quality of lives of Filipinos due to the excruciating pain and discomfort associated with dental diseases, and often lead to skipping school or calling in sick to work,” sabi ni Villar.

“Magtulungan po tayong panatilihin ang kalusugan ng bawat isa, lalo na ang mga kabataan. Kasama rito ang kalusugan ng ating mga ngipin. Lack of care for our oral health can negatively impact on our self-image and self-esteem,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng HB 9343, magtatayo ng mga dental unit sa bawat isa sa 2,597 RHU bilang bahagi ng Primary Health Care Approach ng gobyerno.

Ang bawat unit ay mayroong isang public health dentist at isang barangay health worker na magsisilbing dental aide. (Billy Begas)

Source: https://tnt.abante.com.ph/2023/10/24/rep-villar-isinulong-pagtatayo-ng-dental-units-sa-bawat-rural-health-unit/news/

Related Stories
Clear Filters
Senator Camille Villar pushes for mental health leave, journalist protections, and pro-worker legislation
Senator Camille Villar has filed a new wave of legislative proposals focused on mental health, labor protections, education, and social welfare.
CAMILLE VILLAR FILES BILL TO GRANT MENTAL WELLNESS TO EMPLOYEES, OTHER MEASURES AHEAD OF 20TH CONGRESS
Millennial Senator Camille Villar batted for the need to grant mental health wellness leave in public and private sectors, adding that the State affirms the basic right of all Filipinos to promote mental health.
Most Popular Posts
Most Viewed